Hay… sa dami ng mga inaasikaso sa trabaho at bahay, di ko namalayan na medyo matagal na rin pala akong di nakakasulat ng bagong post dito sa bloghay ko… naisip ko bigla kung di na ako makakasulat e sayang naman ang pagre-renew ko ng renta sa domain ko. Heniweys, kaya’t heto naisipan kong sumulat ng bago para naman umusad na ako mula sa huli kong post.
Speaking of bago, di ko namalayan na marami rin palang bagong nangyari sa ‘kin. Kaya’t umupo ka muna’t sumandal, magrelaks, at ikukuwento ko ang mga bagong pangyayaring naganap sa ‘kin mula nung ating huling pagsasama. Teka at aking iisiping mabuti ang ititipa ko para wala akong makaligtaan… ehem…
UNA — Bagong Trabaho
Oo tama ang nababasa mo. Pero actually, bagong luma s’yang trabaho. Eto kasi yung dati kong work na kinuha ulit ako at a better price! hehehe! Kaya balik ako ulit sa Cityland Pasong Tamo. At least ngayon mas malapit na ‘ko sa kabihasnan kung saan may mall at maraming building. Mas nakakatipid na ako sa pamasahe at nakakasimba pa ako. Yun nga lang, wala na ‘kong McDo! Hahaha pero okay lang… mas okay nga yun e!!! Besides, may malapit na Jollibee dito! Oha!!!
PANGALAWA – Bagong Bloghay Theme
Well, baka lang maisip n’yo na common yung theme ko na kape. Siguro… pero ayos nga e. Na-deviate lang from my usual na chairs, sofas or benches theme. But mind you, tahi pa rin naman sa kung anong layunin ng bloghay ko — ang makipagkwentuhan ng kung anu-anong siyet o chismax sa buhay. At kapag may kwentuhan, ano pang masarap na kasama… edi kape! Teka, kailan kaya tayo naman pede mag-Coffee EB? Para maiba naman!
PANGATLO — Bagong Pants
Sa tagal ng panahon, medyo limitado ako sa pagbili ng kahit anong gamit ko lalo na sa pang-araw-araw na gamit. Sympre mas pagtutuunan ko ng pansin ang mas importante kaysa sa sarili ko. Pero nung magbigayan ang ilan kong mga maong (nagkanda-punit na sa gamit), lumiit na ang baywang (oo, tumaba ako!) o di kaya’y mabutas ng di-oras ng di ko nalalaman, aba’y talagang wala na ‘kong magagawa at bumili ng mga kapalit. Kaya ayun, dalawa agad ang naibili ko since last week. Galante ba kamo? Di naman. Kailangan lang talaga dahil wala na akong natitirang maong na pamalit. Yung dalawang punit ko ay naremedyohan pero malamang di na magtatagal din. Kaya okay na rin ang pamalit. Isang maong na halos skinny jeans ang dating, at isang tamang tama sa aking katayuan na kulay maong din. Basta isang araw, makikita n’yo rin ‘to.
PANG-APAT — Bagong Trip
Teka nga… ano nga ‘yun? Ah oo yun! Bago nyo maisip kung sino, bagay ang tinutukoy ko, okie? Ang bago kong trip… ay mangolekta ng mga laruang kinalakihan ko nung bata pa ako. Actually, naumpisahan ko na. Makaraang makapanood nung Transformers: Dark of the Moon nung June, ayun may mga naglabasang diecast versions. Ang una kong nabili ay si Optimus Prime na naka-truck form lang. Natuwa kasi ako sa hitsura nito kaya naisip ko, tutal P100, kolektahin ko kaya? At dun na nga ako nag-umpisa. Sa ngayon, meron na rin akong Bumbolbe at Saydswayp. Iniisip ko pa si Ayronhayd kasi napapangitan ako sa disenyo sa kanya. Pero malay mo.
Apart from Transformers, andyan din ang grupo ng Disney Cars. Ang ganda kaya nung kay Lightning McQueen?!? Pero kasi kay Jeremy yun e. Pero naisip ko rin kolektahin yun kasi marami s’yang bersyon e. May kamahalan lang nga kasi budget ko lang ay P100 din. Huwel, bahala na. Pero gusto ko rin makolekta yun at maitabi kahit yung McQueen lang. Basta, update ko kayo ‘pag meron na. Hehehe! Ang sarap ng feeling bata noh!!!
at…
PANG-LIMA — Bagong Bahay
Hahaha! Etong parteng ‘to ay walang istir!!! Mula sa dating apartment namin na parang 3-storey (kasama attic), nakalipat na kami sa bagong bahay na parehong sabdibisyon pa rin at napakalapit sa mga pangalawang magulang ko (aka parents-in-law). Pero bago ko pa maidetalye lahat, pipigilin ko muna sarili at kailangang mabigyan muna ng permiso ni kumander bago ko makwento lahat. So sa susunod na post na lang kung sakali.
Haayyy… imagine sa dami ngang nangyari na di mo mapapansin kung marami kang ginagawa. Pero ayos lang. At least, may bagong kwento akong nailathala dito at naibahagi. Gaano man kapayak o kagulo ang nasulat ko, naipaalam ko sa inyo na andito pa rin ako para makichika, makausap at makaututang dila kung kinakailangan.
O teka post ko na ‘to para mabasa n’yo na. Besides, kailangan ko pa mag-DL ng ilang movies na atat kong makuha. Free kasi dito sa opisina e!!! O s’ya! Sa susunod ulit ha! Ciao!!!



















Mga Nakikwento