Subscribe RSS

Tag-Archive for "father’s day"

A Post-HFD Sharing Jun 24

Like what the title says, this entry is just a short one that I want to share with you guys. Apart from Kaye and other family members, only a few (like some friends in the office) knew about the special treat I got for Father’s Day. Not only did I get to spend with the kids, the good treat I had that day was the anticipation of seeing the McDonald’s Father’s day ad published on three main broadsheets. The ad was sort of a tribute to all dads all over the country, but with a twist — images were caught in their most candid, uncompromising way while enjoying McDo treats.

Here’s the ad:

Can you guess where I am?

As an added surprise, a mysterious friend of mine (whose cell number I still haven’t identified. sorry and thanks ulit sa tip!) texted me that I also appeared in another front page of a famous broadsheet with no less than Fr. Jerry Orbos. To my curiosity, Kaye tried to find the page through its online version. And true enough, it was indeed ME on the picture… with Fr. Jerry Orbos! As I recall, the pic was obtained from this blogsite through a post I did a few months ago. Though, I felt violated for the writer (or someone from that publication) just acknowledged my site and not even bothered to ask permission or find out my name as proper courtesy of using and publishing the picture.  Though it was something unacceptable, I felt in a way cool about it nonetheless.

Anyhow, here’s the picture that came out with that surprise article below.

The feature article on Manila Bulletin

Again, Happy Father’s Day to me!!! Hahahaha!!! :D

Category: Life Nga Naman  | Tags: ,  | 60 Comments
Father’s Day Jun 20

Father’s Day ngayon, nabati n’yo ba mga tatay n’yo? Kung hindi pa, batiin n’yo na sa kahit anong paraan… itext, email, tumawag o i-Plurk nyo sila (kung tech-savvy sila ha!) para mapadama n’yo kung ga’no sila kahalaga kahit man lang sa araw nila.

Pero bakit nga ba may Father’s Day? Ang alam ko kasi sobrang angkop ito sa mga tatay na sobrang nagsusumikap at naging uliran sa bawat aspeto ng buhay nila — mapa-pamilya, trabaho man, kapitbahay o kahit sa pag-praktis ng pananampalataya nila. Pero pa’no yung mga di naging maayos sa buhay nila? Yung mga nanloko, nakasakit sa kapwa nila, nandaya o di naging uliran sa kanilang mga mahal sa buhay? Tama rin kaya silang batiin ng Happy Father’s Day?

Mahirap mang isipin pero sa wari ko lang, minsan mapapaisip ka kung dapat ka bang mapabilang sa mga tumatanggap ng greeting mula sa kaibigan, kamag-anak, ka-opisina, kabarkada, kapamilya o kapuso, lalo pa’t kung alam mong sa lumipas na taon ay may mga pagkakamaling nagagawa tayo at umuukit ito sa karamdaman ng marami sa atin. Gano’n ang pakiramdam ko minsan, lalo pa’t nitong nakaraang taon ay sobrang maraming pagsubok at pagkakamali ang napagdaanan ko. At ngayong Father’s Day, napaisip ako… karapat-dapat ba talaga akong mabati?

Pero sa kabila no’n, malaking pasasalamat at kahit papa’no, andyan pa rin ang aking pamilya, kahit na isa sila sa mga nasaktan sa mga ilang bagay-bagay na nagawang pagkakamali ko sa buhay. Bilang haligi ng sarili kong tahanan, sila pa rin ang nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa ‘kin upang maging mabuting ama sa araw-araw na ibinibigay ni Lord. Oo, maraming beses na akong nagkakamali, nakakasakit at nadadapa. Pero di ako tumitigil na magsumikap para mabago ang sarili ko, upang maging  isang karapat-dapat na kaibigan at karamay na mamamayan, at lalo pa’t isang matuwid at ulirang ama sa aking mga anak at asawa sa aking kabiyak.

Ngayong Father’s Day, sa wari ko’y di ako dapat nabibilang na batiin dahil sa mga dahilang ako na lang ang nakakaalam. Pero dahil sa pagmamahal ng aking pamilya at sa bawa’t pagkakataon na laging ibinibigay ni Lord sa ‘kin na mabago ang aking sarili, salamat pa rin at naging kabilang ako sa mga milyung-milyong ama, tatay, papa, daddies, ‘tay at kung ano pang tawag sa ‘min, na nabati ngayong araw na ‘to. Siguro, sa dami ng mga paglilihis, siguro may matuwid pa rin akong nadaanan kahit papa’no.

Para sa lahat ng mga ulirang ama na nandyan ngayon, saludo ako sa inyo! Sa ilang mga ama na nagkamali na ng minsan, mayro’n laging pagkakataon na baguhin natin ang mga sarili  kung mamarapatin natin. Dahil at our own right, ang pagiging uliran at modelo sa ating pamilya’t mga anak ay natututunan din.

Para sa mga kaibigan kong bloggers na tatay ring tulad ko, nawa’y maging maganda ang buhay sa bawa’t oras at pagkakataon na handog ni Lord para sa ‘tin!

Happy Father’s Day po!

Category: Life Nga Naman  | Tags: , ,  | 22 Comments