Maraming pedeng pagkakahulugan ang mga salitang ito. At sa totoo lang, marami din ang kayang maapektuhan ng mga ito, simple man silang gamitin o isipin. Heto at isa-isahin natin…
NAPUPUNO…
Ikanga kay da King FPJ, kapag napuno na ang salop, dapat nang kalusin. Pero higit pa d’yan ang mga kadahilan kung bakit tayo ay napupuno sa mga bawa’t dagok sa buhay natin. Sobrang dami ng kapalpakan, paulit-ulit na pagkakamali, katangahan, kabagalang sumunod sa mga patakaran, kulang sa katinuan, di nag-iisip at tira lang ng tira, at eto pa… kakulitan! Kung iisipin mo, maganda sana ang pagpupuno (hindi tree-planting ha!) kasi nabibigyan ng halaga ang mga taong tumatanggap nito, maging ito’y patungkol sa pagmamahal, pagtulong sa kapwa at kamag-anak, o kahit sa pag-iipon ng tubig sa balde o dram. Kaya lang, ‘kung pagpupunong taliwas sa normal na pamamalakad ang pag-uusapan, d’yan tayo mag-alala. Bakit? Dahil dito mo malalaman kung hanggang sa’n lang kakayanin ng mga taong naaapektuhan natin ang pagtitiis at pagtitiyaga nila, maging ito ma’y sa bahay, sa trabaho, mga kaibigan, kaaway o kakampi man. Nakaka-alarma pero ganito lang talaga minsan ang takbo ng buhay. Ang mga mababait, mga walang imik, risonable, at minsang inaakala mong “cool” lang sa mga kaganapan ay s’yang mas may posibilidad na sumabog na lang sa galit at inis. Pero para sa ‘kin, ang pinaka-aantabayan mo ay ang taong magmamanhid na lang sa ‘yo at di na mag-rereact pa makaraan sa sagad sa butong paulit-ulit na kamalian at kapalpakan na ginagawa sa kanya. ‘Yun ang klase ng pagpupunong di na maaaring maisaayos ng maikling panahon. At kapag nangyari ‘yun, well, si Lord na lang ang may alam kung ano ang mga susunod na kabanata. Suma-total, dalawang bagay ang naidudulot kapag napupuno ang isang tao — magsasawa na lang s’ya at magiging manhid sa mga susunod na kaganapan, o humantong sa mga di kanais-nais na katapusan. In short, patay kang bata ka!
NAUUBOS…
Maraming bagay o pangyayari ang nasasaklaw nito. Pagkain, pera, pananalita, kaibigan, sasakyan sa terminal, grocery, baterya ng cell, load, paninda, pasensiya, pang-unawa, pagmamahal… Kung tutuusin, meron pang iba. Pero sa tingin ko, ito ang kadalasan na nararanasan sa pang-araw-araw natin pamumuhay sa mundong ibabaw. Para sa ‘kin, lahat ng mga nabanggit ko ay posibleng masaid at maaaring makapagpaiba sa ating galaw at diskarte sa buhay. Kadalasan, di lang sa ating sarili ang epekto. Kaakibat ng mga nauubos na bagay-bagay ang s’yang sumisira rin sa pakikitungo natin sa ibang tao, mas lalo pa kung sila ang mga taong may malaking kaugnayan sa buhay mo. Tulad ng pasensiya at pag-unawa sa mga pagkakamali, sa umpisa’y kaya pang palagpasin pero sa katagalan, mawawala na lang s’ya ng kusa dahil di natin kayang punuin muli ang nabawas. Tulad din ng pagmamahal, na dating ubod ng usbong sa tuwa at pag-aalaga ay minsang madagok ng mga pagsubok sa buhay ay maari ding manghina at malugmok ng walang garantiyang uusbong muli. Nakakatakot isipin, pero sa buhay natin nangyayari ‘yan. Ang tanong lang, kakayanin ba natin muling punuan ang bangang nasa napipintong pagkaubos at pagkatuyo? Dapat kayanin kahit ga’no kahirap pa ‘yan. Dahil sa nauubos na bagay o pangyayari ay walang kasiguruhan kung ito’y manunumbalik sa dating sigla at saya nito. ‘Pag ito ang nangyari, isang himala na lang ang maaari mong sanggalang para maibalik ang dati. Hirap no? Oo talagang mahirap… pero dapat kayanin ang lahat ng paraan para maibalik ang dati.
Napupuno… Nauubos… magkaiba man ang pagkahulugan pero magka-ugnay ang sinasalamin sa buhay-buhay. Andito ako ngayon. Minumuni-muni ang mga ‘yan… sana may pagkakataong pang maipuno ang nauubos na magandang simulain sa darating na mga araw. Dahil sa minsang tayo ay nagkamali, habang buhay ang ilalaan natin upang maitama at maibalik ang matiwasay at masaganang buhay na inaasam lagi para sarili at sa mga taong mahalaga sa s’yo.
Kung nais n’yo akong samahan, sige lang. Igagalak ko ang inyong pakikisama.

Magandang repleksiyon ito sa aking ngayon Bong.
Nais kong manahimik panumandali upang magmuni-muni sa aking personal na buhay.
Napupuno o umaawas, umaawas dahil kulang o naubusan?
Maraming salamat.
[Reply]
bongkito Reply:
August 27th, 2010 at 4:18 am
salamat sa dalaw. di ko inakalang ikaw ang unang dadapo sa bahay ko kasi nga naka-leave ka. pero laking pasasalamat at dahil nagkaro’n ng saysay ang bagong post ko sa pagmumuni mo sa buhay. aabangan ko ulit ang iyong pagbabalik Jkul. salamat ulit!
[Reply]
ako din kuya bong
napupuno at nababawas ako sa kasalukuyan
na nauuwi sa pagod at parang ayaw ng lumaban
sa kabilang banda sugod pa rin naman
kailangan ko lamang siguro ng times of refreshing.
salamat po be blessed!
[Reply]
bongkito Reply:
August 31st, 2010 at 11:19 pm
ang tinutukoy mo ay basically yung pisikal right? dont worry, sa tamang pahinga at pangangalaga sa sariling kalusugan, you’ll be always in tip-top shape again Pong!
and yep! a refreshing break is indeed a good way to get that. always be blessed din!
[Reply]
Daddy Bong hindi ko matanggap na gumamit ka ng FPJ reference! Oh hindeee!
[Reply]
bongkito Reply:
August 31st, 2010 at 11:22 pm
niyahahaha! ok lang yun! swak sa post naman anak e! pagbigyan mo na! hehehe
[Reply]
Ganda naman ng iyong muni-muni Bong. Hayyy ganyan daw talaga ang buhay laging may mga pagsubok…kapunuan man o tag-ubos. Kung titingnan natin sa isang anggulo ay bigla natin pasasalamatan ang Diyos sa ibinigay na puso at isipan(brain) sa atin upang gawan ito ng mga solusyon at ang hindi mabago ay tanggapin. Kahit anong powerful na computer ay di kayang gawan ito ng solusyon kundi ang puso at isipan lang ng tao ang makakaabot sa mga ganitong katanungan o pagsubok. Manalig at magtiwala sa ating Panginoong Diyos. Konting tiis(hinuhubog lamang tayo ng Diyos dito sa mundong ito) at pagkakalooban din tayong lahat(someday!) ng perpektong mundo ng atin Panginong Diyos. Gawin lagi ang da bes sa mata ng Diyos. God Bless!
[Reply]
pwede naman ding
nababawasan at nadadagdagan…;-)
[Reply]
bongkito Reply:
August 31st, 2010 at 11:25 pm
alam ko Be… at salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na gawin ulit ang mga bagay na akma sa ‘ting buhay mag-asawa– ang bawasan ang maling pagkikilos at dagdagan ang kakulangang matagal ng dapat puno ulit. asahan mo ang ibayong pagsisikap ko sa dalawang bagay na ‘yan…
[Reply]
Ganyan talaga ang buhay, pare ko. Dumadating ang panahon na may napupuno at may nauubos. Ika nga ni Erap, weather-weather lang yan (kasi nag-FPJ ka pa eh, ayan). Siguro lang, mas dapat PUNUIN natin ng pagpapahalaga ang mga bagay/tao na importante, at UBUSIN ang mga pagkakataong ginugugol natin (hindi gino-google) sa mga sitwasyong alam naman nating nakakasira sa diskarte sa buhay at nakakasakit ng ibang tao. Lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok, para makilala natin lalo ang sarili natin at kung hanggang saan ang kaya natin.
Eto, actually, magandang ilagay sa isang post-it, ilagay sa wallet at basahin sa sarili pagka dumadating ang pagkakataong nakakalimot tayo:
“Much of your pain is self-chosen.
It is the bitter potion by which the physician within you heals your sick self.
Therefore trust the physician, and drink his remedy in silence and tranquility:
For his hand, though heavy and hard, is guided by the tender hand of the Unseen,
And the cup he brings, though it burn your lips, has been fashioned of the clay which the Potter has moistened with His own sacred tears.” (K. Gibran)
Sabihin mo lang sa akin pag kelangan mo ng tulong maalala yan. Isusulat ko sa post-it at ididikit ko sa noo mo
[Reply]
bongkito Reply:
September 2nd, 2010 at 12:12 am
hahaha! talagang may katapat na ERAP ang FPJ ko! huwell ok lang kasi magbesprends naman sila! hahaha!
Totoo na lahat tayo ay dumadaan sa isang matinding pagsubok. Siguro kelangan lang talaga minsan irepaso ang mga tamang nagawa sa mga kamaliang nagawa rin. at mula dapat dun, matuto at maging mas maingat na sa bawat pagkilos para maging mas maayos at mabuti ang buhay na gusto natin sa ting mga pamilya.
at di na rin kelangan ipaalala. andyan lagi si kaye, kara, jemy, at cassie na lagi kong iisipin para laging sa tuwid na pamumuhay ang aking tatahakin para sa kanila.
tenks, luz!
[Reply]
iluzionada Reply:
September 2nd, 2010 at 1:53 am
Tama. Kasi pag nakalimutan mo, magagalit ako. May Glock 17 pa naman ako sa Pinas, hahaha joke lang (pero, hindi nga, meron talaga ako nun).
[Reply]
bongkito Reply:
September 3rd, 2010 at 12:12 am
hahaha takot ako!!! di ba yun yung rapper?!?
yan din yung madalas na reflection ko,sir bong.
yung tipong kapag tinitignan ko kung nasaan na ba ako sa isang sitwasyon sa buhay,nasa pagitan ba ako ng pagpupuno o paguubos?iniisip ko na lang na as long as alam ko kung saan napunta yung naubos at saan galing yung nagpupuno,kuntento na ko.
at least hindi ako magugulat one day kung pagsukat ko sa sarili ko or sa sitwasyon kung paano ako naubos o napuno.
pagtinitignan ko yung family life nyo ni miss kaye,tingin ko punong puno at apaw sa pagmamahal.
inggit me much.hahaha!
[Reply]
Kamusta na Bong?
Nominated ang tambalang Bong at Kaye ah.
Congrats.
Kalaban mo nyo pala si Duking at Salbe. Taenayan
[Reply]
kaye Reply:
September 7th, 2010 at 5:45 am
engeng. e ikaw kaya ang nagnominate kina duking at salbe. nakalimutan mo na? lagot ka sa kanila! haha!
[Reply]
bongkito Reply:
September 13th, 2010 at 11:14 pm
teka ano yan? di yata alam yang botohan na yan? Oscars? Emmy’s? Star Awards? anuyen?!?
[Reply]
salbehe Reply:
September 13th, 2010 at 7:06 am
Wala akong balak maging Couple of the Year. Gusto ko talaga yung Coolest. Ang Cool.
[Reply]
bongkito Reply:
September 13th, 2010 at 11:16 pm
heheh gudlak, salbe! sana nga makuha mo!!! pa-cheeseburger ka ha ‘pag nanalo ka! hehehe
[Reply]
hello kuya bong. ayun, napunta din ako sa blog mo. haha.
[Reply]
Sa buhay madami talagang sakripisyo. Mapunuan man nito ang mga kaechosan mo sa buhay o maubos man nito ang kaartehan mo sa katawan, oh well, that’s life.
[Reply]
salbehe Reply:
September 13th, 2010 at 7:09 am
At natawa bigla ako sa koment ko. =D
[Reply]
bongkito Reply:
September 13th, 2010 at 11:13 pm
hahaha! bakit naman? simple man sya pero may laman. and yap! dat’s layp, pero kahit anong gawin natin, kelangan pa ring harapin.
hawishu salbe? *kaway-kaway*
[Reply]
malalim na reflection to. pati ako napaisp habang binabasa ko.hehe
anuman pong sobra ay nakakasama.tama si fpj.hehehe. tnx po kuya bong.
[Reply]
NAPADAAN LANG PO SIR BONGKITO.
[Reply]
siguro kaya makulay ang buhay dahil sa dalawang ‘yan. kase kung sakto lang.. medyo dull..
thanks for this post sir bong! gandang reflection. =)
[Reply]
Kuya Bong, bakit di ko madalaw yung site ni Ate Kaye ngayon?
Down ‘ata ang server.
[Reply]
bongkito Reply:
October 7th, 2010 at 6:41 am
nasubukan mo na ba ulit? ok naman ‘yung site. baka lang my times lang. kumusta? batiin mo nga pala ate mo. 1 year na e! Ü
[Reply]
hello po kuya bong? musta na? regards po kila ate ( hndi tlaga ako nagbasa?? ) hehe
hugs!
[Reply]
bongkito Reply:
October 26th, 2010 at 10:20 pm
hi len! eto grabe trabaho. di na nga ako nakakapost ng bago e. salamat pa rin sa dalaw! at makakarating kay ate mo ang kumusta at hugs!
hugs din sa ‘yo!
[Reply]
kuya, i will show you may badge, nasa site kopo.. hehehe
[Reply]
bongkito Reply:
October 26th, 2010 at 10:56 pm
sige ill try to get it and add it sa site ko. thanks len!
[Reply]