Father’s Day ngayon, nabati n’yo ba mga tatay n’yo? Kung hindi pa, batiin n’yo na sa kahit anong paraan… itext, email, tumawag o i-Plurk nyo sila (kung tech-savvy sila ha!) para mapadama n’yo kung ga’no sila kahalaga kahit man lang sa araw nila.
Pero bakit nga ba may Father’s Day? Ang alam ko kasi sobrang angkop ito sa mga tatay na sobrang nagsusumikap at naging uliran sa bawat aspeto ng buhay nila — mapa-pamilya, trabaho man, kapitbahay o kahit sa pag-praktis ng pananampalataya nila. Pero pa’no yung mga di naging maayos sa buhay nila? Yung mga nanloko, nakasakit sa kapwa nila, nandaya o di naging uliran sa kanilang mga mahal sa buhay? Tama rin kaya silang batiin ng Happy Father’s Day?
Mahirap mang isipin pero sa wari ko lang, minsan mapapaisip ka kung dapat ka bang mapabilang sa mga tumatanggap ng greeting mula sa kaibigan, kamag-anak, ka-opisina, kabarkada, kapamilya o kapuso, lalo pa’t kung alam mong sa lumipas na taon ay may mga pagkakamaling nagagawa tayo at umuukit ito sa karamdaman ng marami sa atin. Gano’n ang pakiramdam ko minsan, lalo pa’t nitong nakaraang taon ay sobrang maraming pagsubok at pagkakamali ang napagdaanan ko. At ngayong Father’s Day, napaisip ako… karapat-dapat ba talaga akong mabati?
Pero sa kabila no’n, malaking pasasalamat at kahit papa’no, andyan pa rin ang aking pamilya, kahit na isa sila sa mga nasaktan sa mga ilang bagay-bagay na nagawang pagkakamali ko sa buhay. Bilang haligi ng sarili kong tahanan, sila pa rin ang nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa ‘kin upang maging mabuting ama sa araw-araw na ibinibigay ni Lord. Oo, maraming beses na akong nagkakamali, nakakasakit at nadadapa. Pero di ako tumitigil na magsumikap para mabago ang sarili ko, upang magingĀ isang karapat-dapat na kaibigan at karamay na mamamayan, at lalo pa’t isang matuwid at ulirang ama sa aking mga anak at asawa sa aking kabiyak.
Ngayong Father’s Day, sa wari ko’y di ako dapat nabibilang na batiin dahil sa mga dahilang ako na lang ang nakakaalam. Pero dahil sa pagmamahal ng aking pamilya at sa bawa’t pagkakataon na laging ibinibigay ni Lord sa ‘kin na mabago ang aking sarili, salamat pa rin at naging kabilang ako sa mga milyung-milyong ama, tatay, papa, daddies, ‘tay at kung ano pang tawag sa ‘min, na nabati ngayong araw na ‘to. Siguro, sa dami ng mga paglilihis, siguro may matuwid pa rin akong nadaanan kahit papa’no.
Para sa lahat ng mga ulirang ama na nandyan ngayon, saludo ako sa inyo! Sa ilang mga ama na nagkamali na ng minsan, mayro’n laging pagkakataon na baguhin natin ang mga sariliĀ kung mamarapatin natin. Dahil at our own right, ang pagiging uliran at modelo sa ating pamilya’t mga anak ay natututunan din.
Para sa mga kaibigan kong bloggers na tatay ring tulad ko, nawa’y maging maganda ang buhay sa bawa’t oras at pagkakataon na handog ni Lord para sa ‘tin!
Happy Father’s Day po!

base ba tayo mam kuhrach?
[Reply]
Pong Reply:
June 21st, 2010 at 3:55 am
Yehey mam kuhrach base tayo!
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 3:58 am
hahaha! sige base kayong dalawa dito! salamat sa pagdapo!
[Reply]
kuhracha Reply:
June 21st, 2010 at 4:31 am
hehe, actually si taribong ang base dapat dito. naka comments off lang to kahapon. hehehe
[Reply]
Pong Reply:
June 21st, 2010 at 4:34 am
ang importante mam ang pagkabase batin today yun ang mahalaga
magaan na buena mano si kuya vaj
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 4:46 am
ay oo nga noh! hala na baka magtampo si tarbs! yoohoo! tarbs kaw pala ang unang-unang base sa post na ‘to! tenks kuhrach! i stand corrected! hehehe sorry ha!
[Reply]
Isang mapagpalang araw po ng mga tatay sa iyo kuya bong.
perstaym ko po dito.
Be blessed!
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 3:57 am
salamat pong! si kuhrach dapat nga ang pers beys kaso dun sya sa previous post ko bumati. naka-off kasi nung una itong comments ko dito e. pagpatawad kuhra…
pabati rin sa iyong daddy o tatay… kahit belated. heheh
add kita pong ha? teka di ba isang kapatid ka rin ni ate kaye mo? tama ba?
[Reply]
Pong Reply:
June 21st, 2010 at 4:04 am
opo andun din ako kay ate kaye
nakikiate at minsan nakiki mommy na din
yehey salamat po
add ko din po kayo.
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 4:48 am
walang probs. sayang may night EB kami sa saturday. sana makasama rin kayo. hehehe masaya yun!
Babati sana ako sayo, eh dahil nagdadrama ka, parang na-urat lang ako.Huwag na lang. Kala mo naman kagandahan ka.
Kaarte, kadrama.
Sa lahat ng pagkakamaling ginawa mo, kay Kaye ka pa nagkamali, ayan tuloy…naging tama na ang buhay mo.
Tse
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 4:43 am
sa lahat ng pagkakamali ko, si Kaye lang ang naging tama sa lahat ng yun. pero salamat na rin sa pagbasa at pagbisita… di ko na trip awayin ka dahil sa totoo lang, tama na ang pang-aaway ng iba syo. sila na lang, sapat na yun sa kin…
salamat sa bati sa paraan ng pagcomment mo dito.
[Reply]
J. Kulisap Reply:
June 21st, 2010 at 7:49 pm
Naku salamat naman may kakampi na ako. Belat Kaye, mag-isa ka na lang na aapi sa akin ngayon.
Wala ka, one on one na lang ang labanan ngayon
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 9:31 pm
di rin Jkul! kahit wala ako, andyan pa rin ang ibang kasama ni Kaye para mabugbog ka pa rin sa asar. of cors, kung kelangan, andito lang naman ako… to reinforce on Kaye anytime! hahahaha!
J. Kulisap Reply:
June 22nd, 2010 at 1:53 am
Pagkatapos kitang kampihan sa bahay ni Kaye, aatakehin mo ako sa likod ng palakol mo..walangya.
Bakit ba walang nagmamahal sa akin? Huhuhu. Unfer, unfer..yan.
bongkito Reply:
June 22nd, 2010 at 4:39 am
ngek! as if naman… between Kaye and you, obviously naman noh kung sino ang kakampihan ko! kaw talaga bro! hahaha! di bale, di naman ako kasama sa pang-aasar lately. sila na lang muna.
teka, so ayaw mo sumama sa sabado?
Daddy Bong! Kung ano man yang nagawa mo eh feel na feel ko naman ang pagsisisi mo sa entry mo. Ang weird kase bihira ako makabasa ng ganyang entry na galing sa mga tatay. :p
Teka, wag moko pipigilan! babatiin paren kita ng hapadersdey kahit late na! Haha.
[Reply]
bongkito Reply:
June 21st, 2010 at 9:30 pm
tenks anak! actually, minsan you really have to kasi that shows lang how you accept things and later on you learn and grow from it.
o anak ha! sa sabado! kitakits! :p
[Reply]
J. Kulisap Reply:
June 22nd, 2010 at 1:55 am
Lasingin nyo si Vajee, para mag-emote.
[Reply]
bongkito Reply:
June 22nd, 2010 at 4:50 am
hay naku! kahit naman yata di namin lasingin si vaj e talagang umiinom naman sila. let’s weyt en see na lang! e bakit kasi di ka pumunta para kaw ang maglasing sa kanila? kami ni kaye wag mo nang asahan kasi di kami talaga umiinom… hehehe
[Reply]
Daddy Bong! Kung ano man yang nagawa mo eh feel na feel ko naman ang pagsisisi mo sa entry mo. Ang weird kase bihira ako makabasa ng ganyang entry na galing sa mga tatay. :p
Teka, wag moko pipigilan! babatiin paren kita ng hapadersdey kahit late na! Haha.
[Reply]
bongkito Reply:
July 8th, 2010 at 11:03 pm
salamat salamat! sori si Aksimet dinala ka sa spam kaya di ko agad nakita yung comment mo. Hehehe!
at yeah, may pinaghugutan kasi ‘yan kaya ganun na lang ang post ko. and am proud to tell it not because i want to come clean but i just want to be real to myself din for my family and for people who wanted to get to know me better.
o dalaw ulit ‘pag may bago na kong post. hehehe!
[Reply]