Subscribe RSS
Bakit Ganon…? Aug 10

Bakit ganon?

Isang tanong na laging nabibigkas kapag tayo’y nailalagay sa isang matinding sitwasyon  na di natin alam ang kung bakit iyon ang kinalabasan o kinahinatnan. Marahil, marami sa atin ay naipit na, nadamay, naapektuhan o nagsisisi sa isang pangyayari o karanasan na, sa kaguluhan ng ating isip, ay ang naisasabi na lang ay “bakit  ganon?”

Nung ikaw ay nagsusumikap na mag-aral, nagsusunog-kilay, nagsasaliksik at nakikilahok sa mga recitation sa klase, at sa dulo ng semestre ay ang nakukuha mong marka ay di man lang sa inaasahan mong grado, di ba ang masasabi mo na lang ay “bakit ganon?”

Nung nag-aaplay ka ng trabaho, pinagbutihan mo ang pananalita sa una, pangalawa at huling interbyu, nagpasiklab sa mga possibleng maging bossing mo, at minsan pa’y mababalitaan mong ikaw na ang napupusuang makuha sa posisyong nakalatag sa harap mo, tapos di ka matatawagan at malalaman mong may nakakuha na ng pwesto mula sa kras mong receptionist, di ba nanggagalaite kang magsabi ng “bakit ganon?!?”

Nung naggagawa ka ng isang proyekto para sa kliyente mo, nakumpleto mo lahat ng materials at mga larawan na kailangan , naisumite sa mga “kinauukulan,” nirebiso, sinumite ulit hanggang sa ma-aprubahan ng lahat ng mga dapat makakita, nabigay ang FA (final artwork) sa kanila ng maaga,  tapos makaraan ng ilang araw na pagrerelak ay malalaman mo sa isang tangang miyembro ng grupo na biglang meron pa palang konting babaguhin sa ginawa mo, di ba nakakainis at wala kang magawa. Kaya tatawa ka na lang ng medyo naiinis  at sasabihin mo na lang na “Ngek! Bakit ganon? Labo ah!”

Nung minsan kang nagmagandang loob sa isang kamag-anak o kakilala, tumulong ng matiwasay at inakalang maayos ang lahat, tapos mababalitaan mong pagwala na sa iyong harapan ay may tinatagong galit o inis pala sa inasal mo sa kanila, susmaryosep, talaga namang, bakit ganon?

Nung sumubok kang magluto para sa iyong mga kaibigan, kapamilya o ka-irog, naghanda ka ng husto para maimpress sila, sumunod sa bawat hakbang ng gusto mong putaheng lutuin at nakita mong pagkatakam-takam sa paningin at amoy, tapos pagdating sa hainan ay nanibago ang panlasa ng lahat… nakow! d’yahe naman! tapos lalakad patago ulit sa kusina at iisipin “Bakit ganon?!? Tama naman yung nasundan kong procedure sa pagluto nun ah?!?”

Sa mga lalaki…

Nung mamulat ka sa mundo ng pag-ibig, makatipo ng isang babaeng nakikitaan mong maging potensyal na makasama panghabang-buhay, sinuyo-suyo ng sobra sobra, at ramdam mong malaki ang posibilidad na maging kayo sa huli, binigyan ng mga rosas, buwan at kung anu-ano pang pwedeng masungkit para lang makuha ang matamis n’yang “OO,” hatid-sundo kahit bumagyo, minsan pa’y nayayaya sa mga gimik kasama ang ibang mga kaibigan, tapos ‘pag malapit na ang hinihintay mong pagkakataon na kung pwede maging kayo ay biglang mong malalaman na di pa s’ya handang makipagrelasyon, o may asawa na pala s’ya, o di kaya’y di ka lang n’ya tipo at iba ang tinitibok n’ya, o sobrang basted ka lang talaga kasi kulang pa rin eports mo… hay susme!!! naman!!! Bakit ganon?!?

Sa mga babae…

Nung may ma-sight kang gusto mo na talaga namang makalaglag P (bahala na kayo manghula) at pinapangarap mo na s’ya na lang ang para s’yo, kayang magbigay ng ligaya s’yo sa lahat ng pagkakataon, magalang, misteryoso, malinis at swak na swak na ideal man para mapakilala sa iyong mga magulang, tapos malalaman mong magpapari pala s’ya o kabaro n’ya ang mas kanyang inaasam… hay saklap! Bakit naman ganon?!? (mas masaklap kung mas pogi pa sa kanya ang tipo n’ya)

Nung minsan ay maiisip mo na sana mamimiss ka rin ng isang taong inaasahan mong maalala ka n’ya ay s’ya pang di nagpaparamdam s’yo na miss ka n’ya, tapos makikitaan mo ng ibang kagalakan kapag kapiling o kausap ang ibang mga tao, di ba nakakatampo isipin at maramdaman na may mali ba sa sarili mo na ang tanong e “bakit ganon? di ba ako mahalaga rin sa kanya?” (baka siguro kailangan muna mawala ka para ma-realize siguro, di ko rin alam)

Nung madalas na gusto mong manahimik, huwag na lang umalma, o di kaya’y maging matiisin nalang sa mga bagay-bagay na sa tingin mong mali at di dapat gawin, ay s’ya pang pinagmumulan ng kaguluhan, o inis, o pagsisisi, at di pagtitiwala lalo sa yong kakayahan dahil wala kang ginagawa… e ano pa ba naman ang magagawa mo di ba? kaya lang… BAKIT GANON?!? Di ko naman kayo inaano ah!!!

Haayyy… di ko na alam kung bakit talaga ganon ang buhay. Madaya at minsan, walang pakisama. Kakainis lang pero kailangan mo pa rin sabayan. Kaya minsan dapat ride ka na lang.

Kaw, sa tingin mo, bakit ganon?!? Ah ewan! Basta ganon!

Hmph!!!

Category: Life Nga Naman
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

35 Responses

  1. 1
    Pong 

    pabeys muna kami ni mam kuhrach!

    [Reply]

    Pong Reply:

    nakarelate ako ng sobra kuya bong
    1. sa grade nung college bakit kaya ganun nakuha ko sa Psychology class namin?
    2. sa mga kamag-anak bakit kaya ganun sila kapag nakatalikod ako?
    3. bakit kaya ganun nagmahal naman ako ng tapat at sawi parin?

    bakit nga ba ganun?
    recipe ba ang buhay na dapat sakto lang? pwede naman minsan mag ad lib di ba kuya bong?

    [Reply]

    bongkito Reply:

    di ko lang alam kung dapat sakto lang kasi kanya-kanyang diskarte yan e. pwedeng umubra s’yo baka di pedeng umubra sa iba, di ba?

    ad lib ba kamo? mas adventurous nga minsan mas maganda pa ang lumalabas e! hehehe

    kumusta ulit Pong? dalaw lang lagi ha! tenks!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    ahahahah at base nga kayo ni kuhra! sorry naman at di ito entry sa pakontes ni JKul. next time!!! hehehe

    [Reply]

  2. 2
    Vajarl 

    Daddy Bong mag iiwan muna ko ng bakas dahil sa opis ko to babasahin! Yey!

    Basta ako ang sekanbeys! :p

    [Reply]

    bongkito Reply:

    no problemo! kaw pa e malakas ka sa ‘kin! kumusta anak? okay na ba blog mo hulit? at sekonbeys ka nga!

    [Reply]

  3. 3
    Vajarl 

    Una sa lahat, never akong nagkacrush sa receptionist. Puro kase sila babae. Pakilala mo naman saken pag me lalakeng receptionist. Malamang gwapo yun. Haha.

    Pangalawa, alam ko yang makalaglag P na yan! Pustiso? Pusod? Putobumbong? Perlas ng Silangan?

    Pangatlo, eh para sa mga lalake at babae lang pala to eh! Makalayas na nga! Haha.

    Bakit ganon Daddy Bong? Baaakeeeeeet? Baket hindi pa ko natatae eh two days ago pa ang last na tae ko?

    Ay nagkakalat na ko. Haha.

    [Reply]

    bongkito Reply:

    Totoo ‘yan! Bihira kang makakakita ng receptionist na lalaki sa mga kumpanya. Minsan nga guard pa e! Teka kung pogi yung guard, will that qualify?!?

    Hehehe, natumbok mo yung P! at pedeng pede ang Perlas ng Silangan!

    Oi! nang-iwan talaga ng mga “kalat” mo! kaderder! bakit ganon at sa bahay ko pa ikaw inabot, anak? waaaahhh! next time lalagyan na kita ng diapers. ano gusto mo, magic tape o pull-ups? pili na!!!

    [Reply]

  4. 4
    kuhracha 

    3rd base! ay teka.. first base na pala kami ni pong. hehehe.

    basta, di na ko nagtatanong kung baket ganon. kasi alam ko naman ang sagot. GANON TALAGA.

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hahaha! sinabi mo kuhra e! di na ko kokontra! hahaha! at persbeys nga kayo! hala lagot nakakalimutan ang katandem na si pong! hahaha!

    uy! kumusta na? tagal mong di nakadalaw a! at kwela yung istorya na pinadala sa ‘kin ni kaye sa inyong saturday rendezvous… don’t worry alam ko yung mga napuntahan n’yo! hehehe

    [Reply]

    kuhracha Reply:

    haha. alam mo pala un! worried pa naman si momi kaye na malaman mo at baka puntahan mo. alam mo naman pala talaga. wala. mabait ka dadi bong. ayun eh! sumisipsip. hahaha. ipagpapaalam ko na si momi kaye. isasama namen cia sa gaybar! hahahaha

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hehehe mabait ba? di noh! dati nagpupunta rin ako sa ganyan nung single pa ko. ngayon pede pa naman siguro basta kasama si ate kaye n’yo. yung napasok kong Miss U sa pasay pero matagal na yun.

    at plano nyo isama s’ya sa gaybar?!? hahaha! gudlak dapat kasi kasama rin ako. di n’yo lang alam nakapasok na rin ako sa ganyan sa may malate. come to think of it, gusto rin nga pala ni kaye makapasok sa ganon. o iplano natin!!! hahaha!

    kaye Reply:

    langya. and here i thought…ay nakalimutan ko lang pala. hahahha!

    [Reply]

  5. 5
    TARAGIS 

    bakit nga kaya ganun, minsan talaga unfair.. totoo lahat ng nasulat mo haha! =) isang paglalahad ng katotohanan ^^

    ah basta, bakit nga kaya ganon!!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hay nako bons, di ko rin alam kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay ng ganon na lang? anper di ba! pero masaklap man talagang nangyayari sa ‘tin! haaay…

    naks! bat taragis na?!? asan na yun estasyon mo? hehehe

    [Reply]

  6. 6
    arnie 

    siguro talagang ganon ang buhay…ndi matitiyak kung ano pa ang mayayari sa bandang huli kahit na napamalas mo ang lahat ng galing…kakaiba talaga..

    lagi ko din sinasabing Bakit Ganon??? pero sa huli ang sagot e Talagang Ganon…hehehhe

    perstaym ko kuya bong…naglalakwatsa lang!!! :-)

    magandang araw po!!!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hola arnie! salamat sa pagbisita! at welkam ka dito enitaym!!!

    oo gaya ng nakararami, ang buhay natin maloko, minsan maganda ang hatid sa tin, minsan taliwas sa gusto naman natin. pero kahit anong gawin natin, tanggap lang din naman tayo ng tanggap. pero sa totoo lang, kaya pa rin natin ito dalhin sa pabor na gusto natin, kung kakayanin. basta’t masaya at di agrabyado, oks na ‘yun diba?

    gandang araw din s’yo!

    [Reply]

  7. ganun talaga haha. pero para sa akin walang unfair. it has always to be that way, and the only key is accept it. tuloy lang ang buhay.

    [Reply]

    bongkito Reply:

    wa ako ma-say pero amen na lang! hehehe :D yup tuloy lang nga talaga ang buhay!

    kumusta ser? salamat sa pagdapo!

    [Reply]

    BatangMangyan Reply:

    pasyal ka naman sa bagong bahay ng batangmangyan..tapos pwede bang tumambay dito ang badge ko hahaha..salamat po.

    [Reply]

    bongkito Reply:

    oh sure yun lang pala e!!! sige daan ako sa bahay mo in a jipney!

  8. 8
    superlolo 

    Ang ganda naman ng tanong mo Bong. Ang sa akin ay palagay ko ang mga di natin maiintindihan minsan ay ang mga nagpapalasa o nagpapasarap ng buhay…na nagbibigay ng lungkot ngunit kapag napagtamgumpayan ay nagbibigay ng kasiyahan. Kapag wala na daw ang mga ganitong problema…malamang nasa sementeryo na at tahimik na.

    Ang lahat ay nagiging tagumpay sa bandang huli…Enjoy LIFE!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    ahahaha! totoo yan Tay! ang mga bagay-bagay na sadyang pinabayaan lang sa tin ni Lord na tanong-tanungin, ay minsan ang mga bagay-bagay na nagpapasarap at nagbibigay ng kahulugan sa ating kasiyahan sa mundo.

    at kung wala na ngang problema, sementeryo na nga sya. sana lang tahimik na nga pero masayang namamahinga na.

    salamat tay ulit sa dalaw! o palamig na ba ulit dyan?

    [Reply]

  9. 9
    duking 

    sir bong,nadayo rin kita!

    paumanhin kay miss kaye pero mas ok ‘to.hindi nose bleed!hahaha!

    madalas din akong mapatanong n’yan eh.bakit gaon?anung nangyare?saan ba banda sumablay?minsan talaga,humuhulagpos pa rin ang pangyayaring hindi mo inaasahan.

    masaklap pero tuloy pa rin ang buhay!

    magandang araw!!!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hahaha! nakakanose bleed ba sa bahay ng asawa ko? ang alam ko sa ‘yo din nanonose bleed si kaye! hahaha!

    hay siguro talagang ganon ang buhay. kahit pano natin bali-baligtarin, may mga pangyayaring di natin talaga aasahan at ang maitatatanong na lang na bakit nga ganon.
    buti na lang at may mga prends tayo para lagi tayong nasa katinuan para harapin pa rin ang buhay na magulo at masalimuot, pero masaya!

    salamat sa dalaw! daan ka lang ulit! magandang araw duks!

    [Reply]

  10. “My soul finds rest in God alone: My salvation comes from Him.” (Psalms 62:1)

    hehehe, wala ng tanong-tanong, andito na ulit ako! group hug sa inyong lahat dito! yahoo!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    AMEN fads! AAAAAAAMMMMMMEEEENNNNN!!!! at tama! ke Lord, walang bakit ganon! GANON dapat! hehehe

    yehey! balik na ulit si fads! wehehehe!!! group hug!!!

    [Reply]

    Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Reply:

    yes, i’m back na. kaya ireresume natin ang ating mga kulitan. yahoooo!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    hephep! hoorey! hephep! hoorey! hahahah!

  11. 11
    J. Kulisap 

    Bakit ganun?

    Bong dumaan lamang ako para kamustahin ka.

    Ingat at laging ang magagandang bagay sana ang mapasaiyo.

    [Reply]

    bongkito Reply:

    uy natouch naman ako! oks lang naman ako Jkul! salamat sa pagdaan. at sana nga magdilang-anghel ka! yan ang hanap ko ngayon. heheheh

    mukhang di busy ah? o sya dumaan ka rin sa isang bahay ko. may bagong post dun ang aking maybahay na mabait at maganda! :D

    [Reply]

  12. 12
    shea 

    tanong ko rin yan kuya bong.. hehe…

    bakit nga ba ganun… hmmm.. eh kasi siguro ganun talaga…

    [Reply]

    bongkito Reply:

    ahahaha! lahat ata tayo ganon e! neways, di bale! malapit na yun darating yung time na malalaman mo why things happen as they do happen…

    tenks sa bisita shea! kumusta ka na? padalaw mamya ha!

    [Reply]

  13. 13
    iluzionada 

    Oo nga. Bakit nga ba ganon?!

    [Reply]

    bongkito Reply:

    di ko rin alam e! kaya ride na lang tayo! sakay na (mimicking Sharon Cuneta!)

    [Reply]

Leave a Reply » Log in